^

Probinsiya

3 huli sa P1-M smuggled cigarettes

Joy Cantos, Rhode­rick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Arestado ang tatlo katao matapos silang masabat habang ibinabiyahe ang isang milyong halaga ng ipinuslit na mga sigarilyo sa ikinasang checkpoint operation ng Criminal Investigation and Detection Group-ARMM at Regional Mobile Force Battalion-14,  Biyernes ng umaga sa Brgy. Tapayan. Sultan Mastura, Maguindanao.

Kinilala ni CIDG ARMM-Provincial Field Unit Commander, Chief Inspector Esmael Madin ang mga suspect na sina Abdulkader Laguiab, Salman Tautin,  Adam Guiamalodin.

Ayon kay Madin, Huwebes ng gabi nang makatanggap sila ng intelligence report na mayroon umanong iluluwas na mga smuggled cigarettes mula Pagadian City at patungo sana sa Cotabato City. Dahil dito, agad nitong inalarma ang lahat ng mga detachment ng sundalo at pulis sa Lanao-Cotabato National Road.

Sinabi ni Madin, alas-5:40 ng umaga nang maharang nila ang isang kulay pu­ting Mazda dropside truck (120110 MV) na minamaneho ni Abdulkader Laguiab sa may detachment ng 1st Regional Mobile Force Company sa nasabing lugar. Nang kanilang inspeksyunin, tumambad ang 50 kahon ng mga iba’t ibang sigarilyo na tinatayang nasa P1 milyong halaga at ilang sako ng dried fish.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with