^

Probinsiya

Parak na agaw-buhay sa gunman, tinuluyan sa pagamutan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Parak na agaw-buhay sa gunman, tinuluyan sa pagamutan
Tuluyan nang nalagutan ng hininga pagsapit sa labas ng ospital ang biktimang si PO2 Renato Mopac, nasa hustong gulang, at nakatalaga sa police station ng naturang lugar matapos na sundan ng suspek at muling pagbabarilin.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang alagad ng batas ang sinigurong hindi na muling mabubuhay pa nang matapos na pagbabarilin sa pamilihang bayan ng ‘di pa natutukoy na gunman ay sinundan pa ito sa pinagdalhang ospital at saka muling niratrat ng bala naganap sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

Tuluyan nang nalagutan ng hininga pagsapit sa labas ng ospital ang biktimang si PO2 Renato Mopac, nasa hustong gulang, at nakatalaga sa police station ng naturang lugar matapos na sundan ng suspek at muling pagbabarilin.

Ayon sa tagapagsalita ng Police Regional Office 12 na si P/Supt. Aldrin Gonzales, si Mopac ay kasalukuyang naka-duty sa pamilihang bayan sa Brgy. Poblacion nang unang maganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng umaga. Agad na tumakas ang suspek habang isang concerned citizen ang sumaklolo kay Mopac na dinala sa pagamutan.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng biktima at ng sumaklolo ay nakasunod pala ang gunman kung saan pagsapit sa labas ng ospital ay saka muling pinagbabaril si Mopac hanggang sa ito’y tuluyang mapatay.

Matapos na matiyak na patay na ang target ay tumakas ang suspek sakay ng isang puting pick-up patungo sa direksyon ng Tacurong City.

Patuloy ang imbes­tigasyon sa naturang krimen.

COP SHOT DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with