^

Probinsiya

1 dedo, 9 arestado sa drug ops

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 dedo, 9 arestado sa drug ops
Kinilala ng pulisya ang tumimbuwang na suspek sa alyas na ‘Bok’, nasa hustong gulang habang nakatakas naman ang kasabwat nito na may alyas na ‘Bungo’.
File Photo

MANILA, Philippines — Todas sa mga otoridad ang isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu matapos na kumasa sa drug-bust ope­ration ng mga pulis habang siyam na iba pa ang nasakote sa iba pang operasyon sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang tumimbuwang na suspek sa alyas na ‘Bok’, nasa hustong gulang habang nakatakas naman ang kasabwat nito na may alyas na ‘Bungo’.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang ikasa sa isang lugar sa Malolos City ang buy-bust operation laban kina Bok at Bungo.

Habang nagpapalitan ng items ang poseur buyer na pulis at mga suspek nang makahalata si Bok na agad na bumunot ng baril subalit naging maagap ang pulisya na ikinasawi nito habang nakatakas naman ang kasab­wat nito dala ang marked money.

Sa kabilang dako ay naaresto naman ng mga otoridad ang siyam na katao sa magkakasunod na operasyon sa iba’t-ibang bayan.

Humihimas na sa rehas ang mga naarestong suspek na sina Irene Dela Cruz, 55; Dominique Adame, 38; Jonathan Ordinaryo, 35; Mark Anthony Sarrondo, 20; Elvis Moraga, 30; Bernardo Darilay, 29; Ronald John Miasis, 23; Lorena Ulitin, 26; at Bachiba Lerit, 31; pawang mga nasa hustong gulang.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with