^

Probinsiya

2 katutubong Aeta sinilaban

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 katutubong Aeta sinilaban
Sa report kay Isabela Police Director Sr. Supt Mariano Rodriguez, nalagutan ng hininga si Fernando Sesuca habang ginagamot sa isang hospital sa lungsod kung saan siya inilikas sa pamamagitan ng eroplano kasama si Acorda Cortez na patuloy na inoobserbahan.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa ang natusta habang isa pang katutubong Aeta ang malubhang nasugatan matapos silang buhusan ng gasolina at silaban ng kanilang nabulabog na kanayon sa liblib na lugar ng Maconacon, Isabela kamakalawa.

Sa report kay Isabela Police Director Sr. Supt Mariano Rodriguez, nalagutan ng hininga si Fernando Sesuca habang ginagamot sa isang hospital sa lungsod kung saan siya inilikas sa pamamagitan ng eroplano kasama si Acorda Cortez na patuloy na inoobserbahan.

Nabatid na 80 porsyento sa katawan ng mga biktima ang nasunog matapos silang buhusan ng gasolina at silaban ni Renato Castillejo sa labas ng kanilang kubo sa Brgy. Malasin.

Sinasabing nabulabog si Castillejo sa pagwawala ng dalawang Aeta na noon ay dumating na lasing sa kanilang tribo. ?Dinakip ng mga nagrespondeng pulis si Castillejo matapos ang insidente.

 

MARIANO RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with