^

Probinsiya

2 sugatan sa pagsabog sa Antipolo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 sugatan sa pagsabog sa Antipolo
Hindi na inihayag ng Antipolo City Police ang pangalan ng mga biktima, na bahagya lamang namang nasugatan, ma­tapos na hagisan ng pam­­pasabog ng ‘di ki­l­a­lang suspek, dakong alas-11:00 ng tanghali.

MANILA, Philippines — Matapos ang naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan na iki­namatay ng 11 katao ay isang pagsabog din ang naganap sa Antipolo City kahapon ng tanghali na nagresulta ng pagkasugat ng dalawang indibidwal, at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang may kagagawan nito.

Hindi na inihayag ng Antipolo City Police ang pangalan ng mga biktima, na bahagya lamang namang nasugatan, ma­tapos na hagisan ng pam­­pasabog ng ‘di ki­l­a­lang suspek, dakong alas-11:00 ng tanghali.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, ang suspek ay sakay ng hindi na­pla­kahang kotse nang big­la na lang naghagis ng eks­plosibo sa isang tricycle na sinasakyan ng mga biktima, sa Sitio Calumpang, ng Barangay San Jose.

Lumitaw naman sa imbestigasyon ng pulis­ya, na posibleng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang may kagagawan nang pagpapasabog at mga sundalo ng Philippine Army (PA) na dumaraan sa lugar ang target ng mga ito.

Nagkataon uma­nong nag-overtake ang sasakyan ng mga sundalo sa tricycle kaya’t ang mga biktima ang tinamaan ng pagpasabog.

Iniimbestigahan naman na ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Antipolo City Police, kung anong uri ng improvised explosive device (IED) ang ginamit ng mga salarin sa insidente.

BOMB ATTACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with