Terorista tiklo sa ‘Oplan Saliksik’
MANILA, Philippines — Nadakip ang isang lalaki na sinasabing miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at may patong sa ulo na P.5-milyon sa isinagawang “Oplan Saliksik” ng pulisya sa Baras, Rizal kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto si Raul Razo, alyas ‘Ka Jade’, 47, na ika-2 sa Most Wanted Person ng PRO4 (Calabarzon), at kaanib umano ng CPP-NPA-NDF na deklaradong isang teroristang grupo.
Nabatid na nagsasagawa ng ‘Oplan Saliksik’ o paghahanap ng mga most wanted persons, ang mga alagad ng batas nang madakip ang suspek sa kanyang tahanan sa Block 54, Phase 1, South Ville 9, Barangay Pinugay, sa Baras, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Florencio Arellano ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court (RTC) Branch 28.
Si Razo, na nahaharap sa kasong murder, ay mayroong P500,000 patong sa ulo.
- Latest