2 bebot na ‘tulak’ tiklo sa P3.3-M shabu
CAVITE , Philippines — Bumagsak sa Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang dalawang babae na pinaniniwalaang bigtime na “tulak” ng droga at nakumpiskahan ng may 300 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.3 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jamila Sultan Alonto alias “Gemma Jose” at Lanie Jarique Garcia, kapwa ng Blk 49 Lot 11, Waling-Waling St., Brgy Datu Esmael, Dasmarinas City.
Sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang ilatag ng Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang buy-bust operation laban sa dalawa dahil sa impormasyon na talamak na nagbebenta ng illegal na droga.
Matagumpay namang naaresto ang mga suspek matapos na isang pulis ang magpanggap na buyer at makipag-deal.
Narekober sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng may 150 gramo na binili sa buy-bust at nakuhanan pa sila 2 pang sachet ng shabu na may timbang na 300 gramo, at 7 bundles ng pekeng tig-P1,000 marked money.
- Latest