Magnitude 5.2 na lindol tumama sa Batangas
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng lindol sa 27 kilometro kanluran ng bayan ng Nasugbo ganap na 12:25 ng tanghali.
May lalim na 118 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity IV sa bayan ng Lubang at Abra de Ilogsa Occidental Mindoro, habang Intensity III naman sa mga bayan ng Balayan, Tuy, Talisay at Calatagan sa Batangas, gayun din sa lungsod ng Quezon at Clark, Pampanga.
Naitala ang Intensity II sa Manila City; Plaridel, Obando, Malolos sa Bulacan; Parañaque City.
Wala namang naiulat na pinsala ang lindol ngunit nagbabala ang Phivolcs sa maaaring mararamdamang aftershocks.
- Latest