Tanauan City Mayor itinumba sa gitna ng flag-raising ceremony
MANILA, Philippines – Patay sa pananambang si Tanaun Mayor Antonio Halili ngayong Lunes ng umaga.
Binaril sa dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek si Halili sa kalagitnaan ng flag-raising ceremony.
Sa isang live video sa facebook, makikitang patapos nang awitin ang Lupang Hinirang matapos marinig ang putok ng baril na nag-udyok ng kaguluhan.
Dineklarang dead on arrival si Halili matapos itong isugod sa CP Reyes Hospital.
Sa isang panayam sa radyo, tinala ni Calabarzon Police Chief Supt. Edward Carranza na maaring isang sniper ang pumatay kay Halili.
“We immediately formed a task force to handle the case,” aniya.
Ayon kay Tanauan City Public Information Officer Gerry Laresma, madalas nakatatanggao ng death threats ang alkalde dahil sa kaniyang kampanya laban sa ilegal na droga.
Kilala si Halili sa kanyang pagpaparada ng mga nahuhuling drug pusher habang pinapahawak ng mga signboard at pinasusuot ng mga damit na nagsasabing sila ay drug pusher.
Tinanggal si Halili sa police control matapos itong paghinalaang sangkot sa pagpapalaganap ng iligal na droga na kanya namang itinanggi.
- Latest