^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang umano’y notoryus na holdaper ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga elemento ng pulisya sa Purok 7, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna  nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office Acting Director P/Sr. Supt. John Kirby Kraft, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng mga suspek at ng mga nag­respondeng pulis.

Nauna rito, humingi ng saklolo ang isang 17-anyos na lalaki sa mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng pulisya na nagpapatrolya sa lugar matapos na aniya’y holdapin ng mga suspek ang kanilang tindahan. Habang natutulog umano siya sa loob ng kanilang tindahan nang katukin ng mga suspek na nagpanggap na mga kustomer. Nang kanyang pagbuksan, agad umano siyang tinutukan ng baril sabay deklara ng holdap ang mga suspek.

Nagawang mata­ngay ng mga suspek ang P8,000 benta sa tindahan at dalawang malaking bote ng lambanog lulan ng tricycle kung saan ay agad namang  hinabol ng mga pulis. Nang masukol sa lugar ang dalawa ay bigla umano silang nagpaputok sa halip na sumuko hanggang sa magkabarilan.

Kapwa bumulag­ta ang mga suspek na bagaman nagawa pang maisugod sa JP Rizal Hospital ay kapwa idineklara silang dead-on-arrival.

Narekober sa lugar ang isang cal. 45 pistol, isang cal. 38 revolver at isang tricycle.

HOLDAPER SHOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with