^

Probinsiya

70 SAF men nadale ng P40-M scam

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Dumulog sa himpilan ng Kidapawan City Police nitong Miyerkules ng hapon ang ilang kasapi ng Special Action Force o SAF na nakabase sa Amas, Kidapawan City makaraang mabiktima ng multi-milyong scam.

 Ayon kay PO2 Salvador Versosa, admin ng Police Non-commissioned officers na kasapi ng SAF-North Cotabato na aabot sa 70 na kasamahan nila ang nabiktima ng fake rice investment scam ng suspek na si Bai Mamot Mangacop.

Nagtiwala umano ang marami sa kanila, dahil ang nag-recruit sa kanila ay ang asawa ng suspek na kasama nilang pulis na si PO3 Beltzasar Elorcosa Aporbo Jr. Ang pera ng SAF men ay ipunuhunan umano sa negosyo ng mag-asawa na buy and sell ng bigas.

 Aabot sa P30-40 milyon ang nakulimbat ng mga suspek mula sa 70 miyembro ng SAF, kasapi ng BFP, ilang mga sibilyan at kawani ng Kapitolyo ng Hilagang Cotabato.

 Maghahain naman ng kaso ang mga nabiktima ng scam sa korte laban sa mga suspek na tumakas umano sa Mamasapano, Maguindanao at ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad.

MULTI-MILYONG SCAM

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with