Bagyong Domeng magpapaulan sa Visayas, Mindanao
MANILA, Philippines — Magpapaulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Davao regions ang bagyong “Domeng,” ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Huling namataan ng PAGASA ang pang-apat na bagyo ngayong taon sa 675 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Domeng ang lakas na 45 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 60 kph, habang gumagalaw pa hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 14 kph.
Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit magdadala ito ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
Dahil dito ay walang nakataas na tropical cyclone warning signals.
Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Linggo.
- Latest