4 Japanese, 13 Pinoy tiklo sa illegal mining
SAN ANTONIO, Zambales, Philippines — Apat na Hapones at 13 Pilipino ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa illegal na paghuhukay at pagmimina sa kilalang Copones Island sa Barangay Pundakit, sa bayang ito.
Kinilala ng San Antonio Police ang mga inarestong mga dayuhan na sina Domyo Ukari, 56; Shinchi Kawano, 44; Morie Eizo, 60, pawang nakatira sa Legaspi Village, Makati City at isang 15-anyos na nagsisilbi nilang interpreter ng San Marcelino, Zambales habang ang 13 Pinoy ay sina Lloyd Marlo Cerezo, 22; Arnold Agel, 23; Rexy Maycong,21; Gregorio Domingo,34; Effer Tolentino, 24; Rodrigo Castro, 58; Luis Cerezo,39; Lymar Cerezo,20; Reggie Marcong, 25; Noel Flores, 29; Jason Ebalane,27; Espiridon Gumacao,62, at Ronald Gonzales, 48.
Ayon kay San Antonio Police chief P/Sr. Isnp. Jonathan Bardaje, sa pakikipagtulungan ng Provincial Mobile Force Company (PMFC), inaresto nila ang mga suspek nang maaktuhan habang illegal na nagmimina sa kanlurang bahagi ng isla. Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang kagamitan sa pagmimina.
- Latest