Drug ops: 4 dedbol, 12 tiklo
MANILA, Philippines — Apat na sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu ang nasawi habang labingdalawa pa ang naaresto sa pagpapatuloy ng Oplan SACLEO (Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation) ng pulisya sa koordinasyon sa PDEA Region-3 sa iba’t ibang bayan ng Bulacan, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawing suspek na sina Jeffrey Santiago, 34, ng Brgy. Batia sa Bocaue; Jessie Vasquez, 41, ng Brgy.Lugam sa Malolos City; alyas “Pilay” ng Brgy. Sampaloc sa San Rafael; at alyas “Kuba” ng Brgy. Sto. Cristo sa Pulilan.
Kaagad namang sinampahan ng mga kaukulang kaso ang labindalawa pang mga naarestong suspek.
Sa unang ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng Provincial Intelligence Branch dakong alas-10:20 ng gabi ay nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer na pulis.
Nang makuha na ang droga ay dito na sinubukang arestuhin ng pulisya si Pilay subalit pumalag ito na naging dahilan upang bunutin ang kanyang armas subalit naging maagap ang pulisya na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Samantala, ganito rin ang sinapit ng tatlo pang napatay na suspek na sina Santiago, Vasquez, at alyas ‘Kuba”
Nakekober sa mga naturang operasyon ang tatlong .38 rebolber, isang .22 rebolber at mga bala nito, 61 sachet ng shabu, 10 sachet ng marijuana, iba’t-ibang drug paraphernalias at P4,700 marked money na ginamit sa mga naturang operasyon.
- Latest