^

Probinsiya

Kapampangan NGO nakiisa sa HIV mass testing

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Kapampangan NGO nakiisa  sa HIV mass testing
Kabilang ang Juan Positive Movement o JPM, na nakabase sa Brgy. Lakandula sa walong grupong nakipag-partner sa Love Yourself, Inc. sa pagsasagawa ng HIV testing na tinawag na “This Is Me: Brave and Free”.
Andy G. Zapata Jr.

MABALACAT CITY, Pampanga  , Philippines  —  Isang non-government organization na nagsusulong ng tamang impormasyon at kaalaman tungkol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS ang lumahok sa isang malawakang libreng HIV testing.

 Kabilang ang Juan Positive Movement o JPM, na nakabase sa Brgy. Lakandula sa walong grupong nakipag-partner sa Love Yourself, Inc. sa pagsasagawa ng HIV testing na tinawag na “This Is Me: Brave and Free”. 

 Pangunahing layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa HIV-AIDS at hikayatin silang umaksyon tungkol dito upang mabawasan ang stigma at diskriminasyon sa mga taong may HIV o PLHIV.

 Ayon kay Wayne Baniqued, tagapagtatag ng JPM, nabuo ang kanilang organisasyon upang lumikha ng isang support system na tutulong sa mga PLHIV na mapanatili ang pagpapahalaga sa sarili at pagiging produktibong mamamayan.

 Suportado ng Department of Health (Research Institute for Tropical Medicine, Pilipinas Shell Foundation Inc., Save the Children, AIDS Healthcare Foundation (AHF), Phl NGO Council on Population Health and Welfare, Inc. (PNGOC), Australian Aid Program (AusAID) at Humanist Institute for Dev’t Cooperation ang nasabing proyekto.

vuukle comment

ACQUIRED IMMUNODEFICIENCY SYNDROME

HIV TESTING

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with