^

Probinsiya

Ambush: Mag-utol utas, 2 bata sugatan

Joy Cantos, Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —   Patay ang magkapatid na lalaki habang sugatan ang dalawang bata matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. ­Ma­ng­­curam, Ilagan City, Isabela kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni P/Supt. Rafael Pagalilauan, city director ng Ilagan ang mga nasawing magkapatid na sina Danny Rapisora, 45, at Joel Rapisora , 40, parehong mga construction workers ng Brgy. San Vicente, Quirino, Isabela. Sila ay nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sugatan naman sa ambush ang dalawang bata na sina Christian, 11, at nakababatang kapatid na si John Joel Rapisora, 9, mga anak ng isa sa mga nasawi na si Joel.

Sa ulat, sakay ng isang motorsiklo ang mga biktima kasama ang dalawang bata at papasok na sana sa kanilang trabaho nang paulanan ng bala ng mga hindi kilalang mga armadong lalaki.

Sinabi naman ni Isabela Police Director, Sr. Supt Mariano Rodriguez na may nadakip na ang pulisya na suspek sa ambush, base sa salaysay ng dalawang batang testigo.

Ayon kay Rodriguez, ang pagtumba sa magkapatid ay nangyari dalawang araw matapos na ma-ambush ang kanilang kababayan na si Julius Dalit, 25.

Aniya, lumakas ang kanilang hinala na pag­hihiganti ang motibo sa pagpatay sa magkapatid na Rapisora matapos itumba si Dalit noong Sabado habang pauwi sa Brgy. San Vicente, Quirino sakay ng kanyang motorsiklo. ?

Noong Mayo 2017, itinumba rin ng mga ‘di natukoy na suspek ang isa pang utol ng mga Rapisora na si Sherwin, 20, at pinsang si Ronald Yatar, 34, habang sila ay nagpapahinga sa kanilang bahay sa Brgy. San Vicente.?

Sinabi naman ni Sr  Insp. Fernando Mallillin,  hepe ng Quirino Police na wala sa drugs watchlist nila ang mga Rapisora subalit nasangkot sa mga kaso ng carnapping  ang kanilang ama.

MAGKAPATID

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with