P.1-M reward sa killer ng bodyguard ni mayor
MULANAY, Quezon , Philippines — Naglaan na ng reward money na nagkakahalaga ng P100,000 ang alkalde ng bayang ito upang matukoy at madakip ang pumaslang sa kanyang security aide ng nakalipas na linggo.
Ayon kay Mayor Joselito “Tito” Ojeda, ang reward money ay inaasahang makakatulong nang malaki upang malutas ang kasong pagpatay kay Ruben Zubia noong umaga ng Sabado sa Sitio Bulagsong, Brgy. Sta. Rosa. Kinondena ng pamahalaang bayan at mismong mga mamamayan ang panibagong karahasan dito na anila’y hinihinalang may bahid pulitika.
Ang nasabing security aide ni Mayor Ojeda ay nag-umpisang magtrabaho sa pamahalaang bayan noong 2008 at umaakto ring watchman sa tanggapan ng Municipal Engineering.
Noong isang buwan, binaril at napatay din sa bayang ito ang isang kapitan ng barangay.
- Latest