Lady trader tinodas sa store
NORTH COTABATO , Philippines — Patay agad ang isang negosyanteng ginang sa Cotabato City matapos magtamo ng maraming tama ng baril sa ulo, batok at iba pa nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Poblacion Sais ng nasabing lungsod kahapon ng madaling araw. Kinilala ng Police Station 1 ang nasawing biktima na si Norma Angkad Kamad, 47, ng Boliao Dos, Mother Barangay Poblacion, at nagba-buy and sell ng seafood products.
Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw habang nasa Barangay Poblacion Sais si Kamad at nag-aasikaso ng kanyang negosyo nang lapitan ng nag-iisang suspek at pinagbabaril gamit ang isang 9mm pistol. Naniniwala ang mga otoridad na personal na alitan ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
- Latest