^

Probinsiya

Babaeng kandidato sugatan sa ambush

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  —   Sugatan ang babaeng kandidato bilang barangay kagawad matapos na tambangan ng riding-in-tandem habang dumadaan sa kahabaan ng Brgy. Kabayunan sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad kamakalawa ng gabi. Inoob­serbahan sa Norzagaray District Hospital matapos na magtamo ng sugat sa katawan ang biktimang si Emelita Dela Merced, 45, ng Brgy. Kabayunan, dito. Sa ulat ni PO2 Euclid Orduña, dakong alas-10:00 ng gabi habang sakay ang biktima ng isang 10-wheeler truck na tora-tora model galing sa pangangampanya at papauwi na sa kanilang bahay nang biglang sumulpot sa likurang bahagi ng trak ang isang motorsiklong hindi batid ang uri at plaka lulan ang mga suspek. Nang mapalapit sa gilid na bahagi ng trak, dito na binunot ng backrider ang kanyang armas at saka binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang hita at kanang braso.

BARANGAY KAGAWAD

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with