^

Probinsiya

SITG binuo sa Ex-Rep. Eriguel slay at Mayor Loot ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuo na ang Phi­lippine National Police (PNP) ng Special Investigating Task Group (SITG) upang imbestigahan at resolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay kay dating La Union Congressman Eufranio Eriguel at 2 aides nito at maging sa pananambang kay Daanbanta­yan, Cebu Mayor Vicente Loot kamakalawa.

Si Loot, nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakaligtas sa ambush kamakalawa ng umaga samantalang si Eriguel at dalawa nitong bodyguard ay namatay matapos paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan habang nagtatalumpati ang dating kongresista sa isang meeting de avance noong Sabado ng gabi sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Brgy. Capas, Agoo, La Union.

Ayon kay  PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, may dalawang “persons of inte­rest” na ang SITG Eriguel sa pamumuno ni La Union Provincial Director Genaro Sapiera sa naturang kaso base sa mga testigo sa dumalo sa pagtitipon.

Hiniling naman ni Albayalde kay Loot, isang dating police general na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa kaso ng pananambang dito na ikinasugat ng kanyang dalawang driver, helper at isang kargador sa Maya Port sa Daanbantayan, Cebu.   

EUFRANIO ERIGUEL

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

SPECIAL INVESTIGATING TASK GROUP

VICENTE LOOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with