^

Probinsiya

Lady cop itinumba, 1 grabe

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang isang bagitong babaeng pulis habang malubha namang nasugatan ang kasama nito sa harapan ng kanilang tahanan sa lungsod ng Zamboanga kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Brent Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si PO1 Rosalyn Macapili, 33-anyos, nakatalaga sa Police Station 7 ng Zamboanga City Police.

Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang sugatang biktima na si Lineth Tuballa.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa harapan ng tinitirhang bahay ng mga biktima sa kahabaan ng Star Apple Drive, Baliwasan ng lungsod dakong alas-10:30 ng gabi.

Base sa imbestigasyon, nasa loob ng kanilang tahanan ang mga biktima nang pagbabatuhin ang kanilang bubungan, pintuan at bintana  ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan.

Dahil dito ay napilitang lumabas ng tahanan ang nasabing parak at kasama nito para sawayin ang mga suspek.

Gayunman, paglabas nila ng kanilang bahay ay sinalubong sila ng pamamaril ng mga suspek kung saan napuruhan ang nasabing parak.

Narekober naman sa crime scene  ng mga operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

vuukle comment

ARMADONG SALARIN

NAPATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with