Obrero tigok sa suntok
MULANAY, Quezon - Patay ang isang obrero makaraang suntukin nang nakaalitan sa palengke ng bayang ito na sakop ng Brgy. Poblacion1 kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Arnel Tabanera, may sapat na taong gulang, may live-in partner ng Brgy. Butanyog. Samantala, tinutugis na ang tumakas na suspek na si Richard Valdepena, 25, binata ng Poblacion 1. Ayon sa ulat, dakong alas 3:30 ng hapon ay nakita ang biktima na nasa kainitan ng pakikipagtalo sa suspek sa loob ng palengke. Maya-maya ay sinuntok umano ng suspek ang biktima sa leeg dahilan upang tumumba at mabagok ang ulo nito sa sementadong sahig.
- Latest