‘Araw ng Mangingisda at Magsasaka’ dinagsa
MANILA, Philippines — Aabot sa 1,000 mga magsasaka at mangingisda mula sa pitong coastal barangay sa bayan ng Subic, Zambales ang lumahok sa “Araw ng Mangingisda at Magsasaka” fluvial parade bilang bahagi ng Subic-Ay! Festival.
Ayon kay Miguela Lolita Buan, ang municipal agriculturist, layon ng nasabing aktibidad na kilalanin ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga mangingisda at magsasaka sa pag-unlad ng bansa. Tinatayang 50 maliliit na bangkang pangisda at commercial fishing vessels na may dalang mga santo at iba pang imahe ang sumama sa parada sa karagatan ng Subic Bay.
Kasabay nito, inilunsad din ng information at education campaign na “Malinis, Masaganang Karagatan” sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga mangingisda at komunidad para makapaglatag ng mga proyektong tutugon sa layong protektahan at ipreserba ang kapaligiran at ang rehabilitasyon ng mga bakawan at ilog.
- Latest