^

Probinsiya

2 magsasaka pinugutan sa koprahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng dalawang magsasaka ng niyog makaraang pugutan ng ulo ng hindi pa kilalang mga salarin sa liblib na lugar sa Purok Lansones, Brgy. Gumadong Calawag, Parang, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ceasar Fermin, 42 anyos at Jabon Vistas, 21; pawang residente sa lugar.

Ayon kay Sr. Insp. Je­mar delos Santos, Spokesman ng ARRM Police dakong alas-9 ng gabi nitong Biyernes nang humingi ng pahintulot ang dalawang magsasaka sa may-ari ng koprahan ng niyog na makikitulog sa kubo sa may pugon o lutuan ng kopra nasabing lugar. Ang koprahan ay nasa 200 metro lamang ang layo mula sa tahanan ng farm owner.

Gayunman, kinabukasan dakong  alas-5 ng umaga nitong Sabado nang magulantang ang mga residente dito nang madiskubre ang mga biktima na pawang napugu­tan ng ulo. Itinapon pa ang mga salarin may ilang metro ang layo ng ulo ng dalawa mula sa kanilang mga katawan.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni ARMM Police Director Chief Supt Graciano Mijares ang masusing imbestigasyon sa kaso upang mabatid ang motibo sa krimen at mapanagot ang mga suspek. Roderick Beñez

vuukle comment

FARMER STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with