^

Probinsiya

Parak na swimming trainer nalunod

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

MORONG, Bataan, Philippines — Isang kagawad ng pulisya na waterborne trainer ang nalunod makaraang himatayin matapos na magturo sa mga baguhang water rescuer sa bahagi ng karagatan ng Sitio Mabato, Morong noong umaga ng Biyernes.

Kinilala ni Bataan Police chief P/Sr. Supt. Marcelo Dayag ang biktima na si P/Insp. Richardson Cabigon Urmatan, 28, anyos, PNPA Class 2015 at nakatalaga sa Morong Police Station.

Sa imbestigasyon ng Morong Police Station, dakong alas-9:20 ng umaga habang nagtuturo ang naturang opisyal sa mga baguhang manla­langoy hinggil sa mabilis na pagreponde at grabbing techniques sa water rescue nang sa kanyang paglangoy papuntang pampang ay hinimatay.

Agad na nasagip ang biktima ng mga nakasaksi saka binigyan siya ng first aid chest compression rescue breathing, kinabitan ng oxygen at mabilis na dinala sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City subalit idineklara ng attending physician na dead-on-arrival.

BATAAN POLICE CHIEF P/SR. SUPT. MARCELO DAYAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with