Amasona sumuko sa pulisya
NUEVA ECIJA , Philippines — Isang amasona o babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tanggapan ng pulisya sa bayan ng Licab, NE, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang sumuko na si Renalyn Cabog y Arqueza, 30-anyos,dalaga, ng Tadian, Mountain Province.
Siya umano ay miyembro ng NPA na kilala sa pangalang “Ka Aiza” at ang kanilang area of operation ay sa mga probinsiya ng Aurora, Nueva Viscaya at Quirino.
Si Cabog ay humarap sa chief of police sa bayan ng Licab at isasailalim pa umano ito sa masusing pagsisiyasat ng otoridad.
Naiturn-over si Cabog sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa Cabanatuan City upang isailalim ito sa karagdagang pagtatanong.
- Latest