8 patay sa diarrhea outbreak sa Sulu
MANILA, Philippines — Walo ang patay, habang 200 ang nagkasakit sa diarrhea outbreak I sa tatlong barangay sa Pata, Sulu.
Isinisisi ni regional Health secretary of the Autonomous Region in Muslim Mindanao Dr. Kadil Sinolinding Jr. ang pagtatae ng mga residente sa kontaminadong tubig sa balon.
Ang tubig-balon ang siyang iniinom at ginagamit sa pagluluto ng mga residente.
"Villagers do their washing and urination within the immediate peripheries of the wells," pahayag ni Sinolinding sa STAR.
Kontrolado na naman ang sitwasyon, ayon pa kay Sinolinding, ngunit hindi naiwasan ang pagkasawi ng walong residente ng barangay Sangkap, Likud at Kanjarrang dahil sa severe dehydration.
Nasa 56 katao pa ang nagpapagaling sa ospita, habang ang 164 naman ay pinauwi na rin.
"Hand pumps shall be installed on top of the now covered wells to siphon water from the bottom of the wells," patuloy ng doktor.
- Latest