^

Probinsiya

Tserman, tanod utas sa ambush!

Joy Cantos, Rhoderick Beñes - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa man idinaraos ang Barangay Elections, dumanak na ng dugo makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang mga salarin ang isang barangay chairman at tanod sa Brgy. Kibayao, Carmen, Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Brgy. Tonganon Chairman Juaquin Segumban, 56-anyos at tanod na si Joey Gamotia, 57, pawang idineklarang dead-on-arrival sa Carmen Municipal Hospital.

Si Segumban ay nagtamo ng 9 na tama ng bala sa katawan habang lima naman kay Gamotia.

Sa report ni Chief Insp. Julius Malcontento, hepe ng Carmen Police, dakong alas-2:45 ng hapon habang lulan ng barangay multicab ang chairman at tanod at binabag­tas ang kahabaan ng Brgy. Road, Brgy. Kibayao nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki.

Nang matiyak na napatay ang dalawa, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Pinaniniwalaan na may kinalaman sa pulitika kaugnay ng nalalapit na halalan sa pambarangay ang pamamaslang sa mga biktima habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen.

BARANGAY ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with