“Isabela kong Mahal” tampok sa Bambanti Festival 2018
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Sa temang “Isabela kong Mahal” nakatutok ang taunang pagdaraos ng pamosong Bambanti Festival na pagpupugay sa tagumpay ng mga mamamayang Isabelino sa larangan ng sining, pangkabuhayan, agrikultura, turismo at kaunlaran na gaganapin sa lalawigan simula Enero 22 hanggang 27, 2018.?
Sinabi sa Pilipino Star NGAYON ni Isabela Governor Faustino “Bodjie” Dy III na nalampasan ng mamamayang Isabelino ang iba’t-ibang sigalot sa lipunan maging ito man ay gawang tao o likas na kalamidad ng nagdaang 2017 kaya patuloy ang martsa ng lalawigan sa tugatog ng kaunlaran.?
Ayon kay Gov. Dy, hindi na kailangang lumipat sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider sa kanyang teritoryo upang mapalapit sa administrasyon at lalong mapaunlad ang Isabela.?
Sinabi ni Dy na batid nilang hindi tinitingnan ng Pangulo ang kanilang kulay politikal kundi sapat na ang ipabatid nilang sinusuportahan ng liderato ng Isabela ang mga kampanyang pinaiiral ng Duterte Administration.?
Sinuportahan naman ni Vice Governor Tony “Pet” Albano ang tinuran ng gobernador.
Ang pagdaraos ng Bambanti Festival ay kapapalooban ng mga socio-cultural, aktibidad sa turismo at sining gaya ng pagtatayo ng mga agro-industrial exhibits sa Kapitolyo ng Ilagan City at patimpalak kultura gaya ng street dance competition. ?
Pinagpipitagan ang tanging Isabela Festival sa nakaraang Aliw Awards nitong nagdaang tatlong taon at kinikilala bilang tanyag na pagdaraos ng pasasalamat sa tagumpay ng mga Isabelino.
- Latest