^

Probinsiya

Roadside bombing: Pulis utas, 7 sugatan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang beteranong pulis habang pito naman ang nasugatan makaraang sumambulat ang bomba sa magkahiwalay na paghahasik ng terorismo ng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao, kamakalawa ng gabi at kahapon.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Agustin Tello, director ng Maguindanao Police na naisumite sa Camp Crame, kinilala ang namatay na si SPO1 Max Kaibat.

Samantala, ginagamot naman sa Maguindanao Provincial Hospital sina PO3 Jalison Abdullah, PO1 Ricardo Almonia, P01 Alimodin Nuphay, P01 Zaino­den Abdullah, at si PO1 Archie Amelista, mga nakatalaga sa Shariff Aguak Police Station.

Bandang alas -8 kamakalawa ng gabi nang pasabugan  ng lokal na teroristang BIFF ang gilid ng highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Shariff  Aguak kung saan nawasak ang patrol car ng pulisya kung saan namatay  si SP01 Kaibat habang sugatan naman ang apat pa nitong kasamahan na sina PO3 Jalison Abdullah, PO1 Zainoden Abdullah, PO1 Ricardo Almonia, at si PO1 Alimodin Nuphay.

Ang nasabing mga pulis ay nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga biktima para tiyakin ang matiwasay na pagsalubong sa Bagong Taon nang mangyari ang pagsabog.

Samantala, isa pang insidente ng roadside bombing ay dalawa namang sundalo ang nasugatan matapos  sumabog ang isa na namang bomba sa gilid ng highway sa Barangay Limpongo, bayan ng Datu Hofer ng nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Kasalukuyang dumaraan ang military truck na sinasakyan ng mga sundalo nang sumabog ang bomba.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with