^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 10 sugatan

Tony Sandoval at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

QUEZON  , Philippines  —  Umaabot sa 10-katao ang nasugatan makaraang mahulog ang  pampasaherong bus sa may 30 metrong lalim na bangin sa gilid ng Qurino Highway sa Barangay Bagong Silang, bayan ng Tagkawayan, Quezon kahapon ng madaling araw.

Ginagamot ngayon sa Maria Eleazar District Hospital at St. Peter General Hospital sa bayan ng Calauag sina Rica Antone, Milagros Antone, Salvacion Sto. Domingo, Joselito Sto. Domingo, Angelo Sto. Domingo, Lynlyn Oco, Ramon Lord Nevier, Anaceta Aninion, Jaymar Aninion, at ang konduktor na si Rommel Rosales.

Tumakas naman ang driver ng bus na si Herbert Umali. Base sa police report, bumabagtas sa pakurbadang highway ang Golden Dragon AB Liner passenger bus (AG00016) patungong Bicol Region nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Bunga nito ay tuluy-tuloy na nahulog sa malalim na bangin ang bus.

Base sa salaysay ng mga pasahero na ang konduktor ang nagmamaneho ng bus bago naganap ang aksidente at kasabay nito ay tugis na rin ang tumakas na tsuper.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with