3 ‘gun-for-hire’ utas sa shootout
MANILA, Philippines — Tatlong umano’y notoryus na miyembro ng gun-for-hire gang at sangkot din sa illegal drugs ang napatay matapos na makipagbarilan sa pinagsanib na mga elemento ng pulisya at militar sa Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato nitong Biyernes ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Modia Adam, Saddam Macabangen at Allan Ewah, pawang mga aktibong miyembro ng gun-for-hire gang na nag-ooperate sa Polomolok at mga karatig bayan sa lalawigan.
Bandang alas- 3 ng madaling araw, ayon kay Chief Inspector Aldrin Gonzales, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12 nang mangyari ang shootout sa pagitan ng mga suspek at pinagsanib na puwersa ng Regional Police Safety Battalion (RPSB) 12, Special Action Force (SAF), Polomolok Poloce at Philippine Army at 27th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.
Ayon naman kay South Cotabato Provincial Director Sr. Supt. Franklin Alvero, papasok pa lamang ang mga operatiba sa target na bahay dala ang search warrant nang paputukan sila ng mga suspek sanhi ng barilan.
Ang shootout ay tumagal ng ilang minuto na ikinabulagta ng mga suspek na pawang idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.
Narekober sa lugar ang tatlong cal. 45 pistol, isang rifle grenade at tatlong shotgun mula sa mga suspek.
- Latest