5 tripulanteng bihag ng Sayyaf, nasagip
MANILA, Philippines — Nasagip ng pinagsanib na tauhan ng Joint Task Force Tawi-Tawi at Naval Forces Western Mindanao ang limang Pinoy na tripulante na bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion Simbahan sa bayan ng Pangutaran, Sulu.
Kinilala ang mga nasagip na sina Vergel Arquino ng Davao City; Joshua Ibañez, Fausto Emo, Junald Minalang, at si Cipriano Sardido, mga nakatira sa Pagadian City, Zamboanga del Sur at mga tripulante ng F/B Danvil 8 fishing boat na dinukot ng mga bandido noong Oktubre 14, 2017 sa nasabing lugar.
Ayon kay Brig. Gen. Custodio Parcon, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, ang mga biktima ay nasagip sa karagatan ng Sugbay Island, Languyan sa Tawi-Tawi noong Biyernes ng hapon saka isinailalim na sa medical examination bago itinurnover sa kani-kanilang pamilya.
Sinabi naman ni Rear Admiral Raul Medina, naging kritikal ang rescue operation dahil maaring patayin ng Abu Sayyaf ang mga bihag kung natunugan ang paglapit ng tropa ng militar.
Noong nakalipas na linggo ay nasagip din ng militar ang tatlong Vietnamese na bihag ng Abu Sayyaf Group.
“We were able to lead them to safety through our contacts, thus this rescue,” he added. “The victims were immediately subjected to medical examinations upon their arrival at this headquarters to ensure that any medical condition be address,” pahayag naman ni Lieutenant General Carlito G Galvez, Jr.
- Latest