^

Probinsiya

Mga armas, eksplosibo nasamsam sa bahay ng ex-mayor

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines – Iba’t ibang armas at pampasabog ang nasamsam ng mga awtoridad makaraang muling salakayin ang bahay ng dating Marawi City Mayor Fajad “Pre” Salic sa Purok 3, Barangay Consuelo sa bayan ng Magsaysay, Misamis Oriental kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Agripino Javier na naisumite sa Camp Crame, bandang alas – 5:30 ng umaga nang isagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng Magsaysay Police sa pamumuno ni P/Senior Insp. Philip Quilala kasama ang mga tauhan ng Provincial Public Safety Company at Army’s 23rd Infantry Battalion.

Ayon pa sa ulat, si Salic na sinasabing financier ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria ay dati ring asawa ng actress na si Alma Moreno na nagsilbing dating alkalde ng Marawi City sa loob ng tatlong termino.

Nabatid na tanging caretaker lamang ni Salic ang natagpuan sa bahay nito nang lusubin ito ng security forces.

Isinagawa ang raid alinsunod sa pinaiiral na martial law sa buong Mindanao kung saan nasa mahigit 300 personalidad ang naisyuhan ng arrest order ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa nasabing mga personalidad ay kabilang dito ang nasa 200-katao kabilang ang mga terorista na sangkot sa rebelyon sa Marawi City.

Narekober sa bahay ng nasabing opisyal ang dalawang rifle grenades, isang 40mm cartridge, MK2 fragmentation grenade, 30 rounds ng bala ng 5.56mm, 6 piraso ng electrical blasting caps, 9 volts energizer battery, jack connector, dalawang balot ng kulay abong pulbos at iba pa.

Magugunita na si Salic ay una nang nasakote sa Barangay Consuelo, bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with