P1.5-M nilimas ng holdaper sa manager
CAVITE , Philippines - Umaabot sa P.1.5 milyong cash ang nalimas makaraang holdapin ng dalawang lalaki ang store manager na nagdedeposito sana ng malaking halaga sa banko kamakalwa ng hapon sa Lagusan Drive, Barangay Tolentino East, Tagaytay City sa Cavite. Personal na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Ronald Balidio, 39, store manager at nakatira sa Buklod Bahayan Subd. sa bayan ng Silang, Cavite. Sa inisyal na ulat ng pulisya, patungo sa banko ang biktimang nagmomotorsiklo para magdeposito ng malaking halaga mula sa convenience store sa Brgy Puting Kahoy sa bayan ng Silang nang harangin at tutukan ng baril riding-in-tandem. Tinangay ng dalawang hodaper ang body bag ng biktima na naglalam ng malaking halaga. Hindi na nakapalag ang biktima kaya nagawang tangayin ang kanyang body bag na may pera.
- Latest