^

Probinsiya

11-anyos nene pinilahan ng 4 totoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naimpluwensyahan sa panonood ng pornographic materials kaya pinilihan ang 11-anyos na nene ng apat nitong kamag-aral sa elementarya sa naganap na gang rape sa bayan ng Ajuy, Iloilo noong Lunes (Marso 6).

Sa ulat ni P/Senior Inspector Charlie Sustento, hepe ng Ajuy PNP na naisumite sa Camp Crame, itinago sa pangalang Maryjane ang biktimang hinalay apat ng kamag-aral nito sa Bay-ang Elementary School sa Barangay Bay-ang sa nabanggit na bayan.

Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa isang farm malapit sa eskuwelahan ng mga mag-aaral pero kamakalawa lamang idinulog sa pulisya ng guardian ni Maryjane.

Nabatid na niyaya ng mga suspek na katatapos lamang mananghalian ang biktima sa isang farm malapit sa kanilang eskuwelahan kung saan nanood ang mga ito ng pornographic video. 

Gayunman, matapos mapanood ang pornographic video ay pinaghubad ni alyas Gardo, 15, ang biktima at nang pumalag ay pinagtulungan ng 3 pang suspek na hawakan sa kamay at hita saka pinilahan.

Ang insidente ay naganap habang isinusulong ng mga mambababatas sa Kongreso na ibaba sa 9-anyos ang pananagutang kriminal ng mga kabataang nakakagawa ng krimen sa bansa.

CHARLIE SUSTENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with