^

Probinsiya

Coed pisak sa trailer truck

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines -  Hindi na maipagpapatuloy ng 19 anyos na babaeng estudyante ang kanyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral matapos na masagasaan ito ng isang trailer truck habang tumatawid sa Brgy. Abangan Sur, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Durog ang katawan at pisak ang bungo ng biktima na si Danica Martin, 19, college student ng kursong BSEd ng Brgy. Abangan Sur sa bayang ito bunsod ng agarang pagkasawi nito. Kaagad namang naaresto ang truck driver na si Fermin Baladhay, 51, ng Brgy. Del Pilar, San Fernando City, Pampanga. Sa ulat ni PO3 Marcelo Galsim Jr., dakong alas-10:30 ng gabi habang tumatawid ang biktima nang dumaan ang humahagibis na motorsiklo subalit naiwasan niya ito. Gayunman, hindi na niya naiwasan ang nasa likuran nito ang paparating na Hino 10-wheleler trailer (ZF-9290) ni Baladhay sanhi upang mahagip ang katawan nito sa likurang bahagi ng gulong  at nagulungan.

vuukle comment

MARCELO GALSIM JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with