^

Probinsiya

Mag-asawang drug lord patay sa raid

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines -  Kapwa bumulagta ang isang hinihinalang drug lord at misis nito nang umano’y manlaban sa isinagawang anti-drug ope­ration ng mga pulis, sundalo at operatiba ng Philipine Drug Enforcement Agency-ARMM sa Maguing, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni Lanao del Sur Police Director, Supt. Oscar Nantes ang mga nasawi na sina Cairodin Anto at misis na si Farhana na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sugatan ang menor de edad na anak ng mag-asawa na patuloy na ginagamot sa ospital.   

Dalawa ring sundalo ng Philippine Navy (PN) ang sugatan sa barilan.

Si Anto ay isa sa limang mga target ng magkasabay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PNP ARMM, CIDG ARMM, Special AFP Action Forces, PN, at PDEA ARMM sa Brgy. Bato-bato at Brgy. Malingon sa Maguing sa   kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Nantes, unang nagpaputok ang mag-asawa sa raiding team dahilan ng engkuwentro. Nasawi ang mag-asawa pero bigo na mahuli ang mga suspected drug dealer sa lugar na sina Baulo Anto at Sultan Abdullah Pundugar.  

Narekober sa hideout ng mag-asawa ang 10 gramo ng shabu, walong armas, tatlong rifle grenades at mga bala. 

PHILIPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY-ARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with