^

Probinsiya

2 killer ng 44 SAF commandos natimbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sangkot sa pagpatay sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Oplan Exodus noong Enero 2015 sa Mamasapano, Maguindanao ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa bayan ng Shariff Aguak ng lalawigan nitong Huwebes.

 Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan ang mga naaresto na sina Lakiman Kalid Dawaling at Mustapha Tatak.

 Bandang alas-10:30 ng umaga nang mahuli ng pinagsanib na elemento ng ARMM CIDG, Shariff Aguak Police, Maguindanao Police at ng tropa ng Philippine Army  ang dalawang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder  na inisyu ng korte.

 Inihayag ni Obusan, ang mga suspek ay kabilang sa grupo ng mga rebeldeng Muslim na nakasagupa ng SAF 44 sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

 Ang Oplan Exodus ay nilalayong maneutralisa ang wanted na international terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan na may $5 milyong reward mula sa pamahalaan ng Estados Unidos. 

Napaslang sa operas­yon si Marwan pero naging kapalit nito ang buhay ng 44 SAF commandos na minasaker ng nagsanib puwersang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). 

 

SAF COMMANDOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with