Amasona utas sa encounter
MANILA, Philippines - Patay ang isang amasonang rebelde sa naganap na bakbakan ng tropa ng militar at New People’s Army sa bayan ng Bobon, Northern Samar kamakalawa. Sa report ni Army’s 8th Infantry Division Commander Major Gen. Raul Farnacio, naganap ang bakbakan sa pagitan ng 43rd Infantry Battalion at mga rebelde sa Sitio Cabaywa, Brgy. Santander sa nasabing bayan.
Kinilala ang amasona na si Bernadette “Kakan” Lutao, asawa ng kumander ng NPA na si Salvador “Badok” Nordan. Narekober ng mga sundalo sa encounter site ang ilang improvised explosive device at tatlong cellular phones. “The NPA has been deliberately violating the human rights with their production and employment of IEDs and their continuous disruption of the peaceful lives of our fellow Filipinos especially those in the far-flung barangays,”pahayag ni Farnacio.
- Latest