^

Probinsiya

2 sundalo dinukot ng NPA

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 sundalo dinukot ng NPA

Ayon kay P/Senior Insp. Bernard Francia, chief of police sa bayan ng Columbio, kinilala ang mga biktima na sina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay ng 39th Infantry Battalion na nakabase sa Sitio Lamales sa nabanggit na barangay. File photo

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines  - Dalawang sundalo ng Phil. Army ang napaulat na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Telafas, bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Senior Insp. Bernard Francia, chief of police sa bayan ng Columbio, kinilala ang mga biktima na sina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay ng 39th Infantry Battalion na nakabase sa Sitio Lamales sa nabanggit na barangay.

Pahayag ni Francia, tinatayang aabot 15 rebelde ang humarang sa dalawang sundalo na sakay sa motorsiklo.

Iginapos ang mga kamay saka dinala ang mga biktima sa direksyon ng Matan-ao, Davao Del Sur.

Samantala, binuo na rin ang Crisis Committee sa pamumuno ni Columbio Mayor Amirh Musali para sa pagpapalaya sa dalawang sundalong binihag ng NPA rebels.

Magugunita na noong Enero 29, 2017 ay dinukot din ng mga rebelde si Pfc. Erwin Salan ng Army’s 30th Infantry Battalion sa Barangay Budingin sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte.  

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with