^

Probinsiya

Hepe ng Angeles City sinibak 7 tauhan nito nasangkot sa hulidap vs 3 Koreano…

Joy Cantos, Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng Angeles City sinibak 7 tauhan nito nasangkot sa hulidap vs 3 Koreano…
Ayon kay Police Regional Office 3 Director P/Chief Supt. Aaron Aquino, si Angeles City Police Director P/Senior Supt. Sidney Villaflor ay sinibak sa puwesto alinsunod sa isyu ng command responsibility kung saan pansamantalang papalitan ni P/Senior Supt. Jose Hidalgo Jr.
File photo

MANILA, Philippines – Sinibak na rin kahapon sa puwesto ang hepe ng  Angeles City Police sa Pampanga kaugnay ng pagkakasangkot ng pito nitong tauhan sa kaso ng pagdukot, robbery/holdup at extortion sa tatlong negosyanteng Koreano.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director P/Chief Supt. Aaron Aquino, si Angeles City Police Director P/Senior Supt. Sidney Villaflor ay sinibak sa puwesto alinsunod sa isyu ng command responsibility kung saan pansamantalang papalitan ni P/Senior Supt. Jose Hidalgo Jr.

Una  nang sinibak ni Aquino ang pitong pulis na sina PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo, PO2 Richard King Agapito, PO2 Ruben Rodriguez, PO3 Gomerson Evangelista, PO1 Jayson Ibe at si PO1 Mark Joseph Pineda.

Samantala, nadamay din na nasibak sa puwesto na sina Angeles City Police Station 5 Precinct Commander P/Chief Inspector Wendel Arinas at  P/Senior Inspector Rolando Yutuc, deputy station commander.

Inatasan si Aquino ni Chief PNP na pabilisin ang summary dismissal na ipinatatapos sa loob ng  60-araw laban sa mga akusadong pulis.

Base sa record, ang mga suspek ay inakusahan ng pagdukot, robbery holdup at extortion sa tatlong Koreano sa isang subdibisyon sa Angeles City, Pampanga noong Disyembre 30, 2016.

Gayunman, sumi­ngaw lamang ang insidente matapos na sumulat kay P/De­puty Director General Francisco Uyami Jr. ang Embassy of the Republic of Korea sa pamumuno ni Minister and Consul Ge­neral Kwon Won-jik noong Enero 3, 2017.

Nabatid na ang tatlong Koreano ay inaakusahan ng mga pulis na sangkot sa illegal gambling pero wala namang naipakitang search warrants.

Sa inihaing reklamo ng mga biktimang Koreano, sinikwat ng mga suspek ang mga kagamitan sa paglalaro ng golf, alahas, laptops.

Pinigil ang mga biktima sa himpilan ng pulisya sa loob ng 7-oras kung saan hiningan ng P30,000 at karagdagang P.3 milyon na inutang pa ng 3-Koreano sa kanilang kaibigan para makalaya.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na wala sa police blotter ang pagkakaaresto sa mga Koreano.

POLICE REGIONAL OFFICE 3 DIRECTOR P/CHIEF SUPT. AARON AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with