^

Probinsiya

2 utas, 4 arestado sa drug operation

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 utas, 4 arestado sa drug operation
Nakabulagta ang isa sa dalawang drug suspek na sinasabing kumasa sa inilatag na “One Time Big Time Operation” ng mga tauhan nina P/Supt. Julio Lizardo sa Barangay Parulan, Plaridel; at P/Supt. Orlando Castil Jr. sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan.
Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Dalawang drug suspek ang napatay habang apat naman ang nasakote sa ipinatupad na panibagong “One Time Big Time Operation” ng pulisya sa mga bayan ng Plaridel, Bocaue, at Meycauayan City sa Bulacan noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Restituto “Lakay” Ramos, 51, ng Brgy. Parulan sa bayan ng Plaridel; at Armando “Nognog” De Guzman, 32, ng Bancal Ext., Brgy. Bancal sa Meycauayan City.

Samantala, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Reynaldo Lopez, 47, ng Brgy. San Jose, Plaridel; Mark Johan Flores, 27, ng Brgy. Turo sa bayan ng Bocaue; Abby Capistrano, 19; at si Alex Lingahan, 24 mga residente sa nasabing barangay.

Ayon kay P/Supt. Julio Lizardo, ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu nina Judge Sita Jose-Clemente ng RTC Branch 16 sa Malolos City; Judge Crisostomo Dañgilan ng RTC Branch 21 at Judge Olivia Escubio-Samar ng RTC Branch 79 sa Malolos City.

Nasamsam sa mga suspek ang cal.38 revolver, cal.22 revolver, cal.45  pistol, converted 12 gauge shotgun, cal.40 pistol, granada, 19 plastic sachet ng shabu, dalawang digital weighing scale, mga drug paraphernalia, at limang motorsiklo na sinasabing sinikwat.

ONE TIME BIG TIME OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with