40 bahay nilamon ng apoy
BULACAN , Philippines – Umaabot sa 40 bahay nilamon ng apoy sa naganap na sunog sa hangganang bahagi ng Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue at Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao sa Bulacan kahapon. Base sa imbestigasyon ni Fire Officer 2 Rhodora Soria ng Bocaue Fire Station, dakong alas-2 ng hapon nang sumiklab ang sunog na sinasabing nagsimula sa bahay na pag-aari ni Wilma Ramirez ng Purok Banloc. Kaagad na kumalat ang apoy sa mga kanugnog bahay na umabot sa ikalawang alarma. Rumesponde naman ang mga miyembro ng pamatay-sunog kung saan naapula naman ang apoy sa loob ng dalawang oras. Walang napaulat na nasugatan o kaya namatay sa naganap na sunog. Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog dahil sa electrical overload sa bahay ni Ramirez kung saan aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
- Latest