^

Probinsiya

Drug suspek tumba sa shootout

FROM FAR AND NEAR - Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Napatay ang 45-anyos na sinasabing drug suspek matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng QPIB, PAIDSOTG at Lucena City PNP kahapon ng madaling araw sa Purok Bagong Sinag sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Roderick Armamento, QPPO acting provincial director, nakilala ang napaslang na si Jerry “Pugto” Causapin na sinasabing may nakapending kasong kriminal sa RTC Branch 55, Lucena City. Batay sa imbestigasyon, isinagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation subalit nakatunog si Causapin na pulis ang katransaksyon kaya tumakbo ito palayo. Gayunman, habang tumatakas ay pinaputukan ni Causapin ang mga pulis hanggang sa gantihan siya ng putok at tuluyang bumulagta. Narekober ang cal. 45 pistol, dalawang P500 marked money, at 12 plastic sachet ng shabu (20 gramo).

vuukle comment

DRUG SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with