^

Probinsiya

400 kolektor ng basura, nagkilos-protesta

BIZLINKS - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
400 kolektor ng basura, nagkilos-protesta
Nagkilos-protesta ang mga garbage collectors at truck driver ng 316 Metro Transport, Inc. kung saan itinigil ang pangongolekta ng basura sa Barangay Payatas sa Quezon City. Hiling ng mga nag-rally na itaas ang kanilang pasahod sa araw-araw at ibigay ang naantalang 13th month pay at benepisyo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines – Nangangamba ang mga residente sa ilang barangay sa Quezon City na ma­ngangalingasaw makaraang magkilos-protesta ang 400 garbage collectors at driver kahapon ng umaga.

Hindi pumasok sa trabaho ang mga driver at pahinante ng mga trak ng basura na komokolekta  ng basura sa District 5 partikular sa mga Barangay Fairview, Lagro, Kaligayahan, Gulod, at sa Barangay San Bartolome.

Sentimiyento ng mga dri­ver at pahinante ang kakarampot na pasahod araw-araw ng 316 Metro Transport Inc. na nakabase sa Payatas, Quezon City at kontraktor sa paghahakot sa mga basura ng Quezon City Hall.

Ayon sa mga nagkilos-protesta, hindi sapat ang kanilang natatanggap na sahod para sa hirap ng kanilang hanapbuhay at kulang na kulang para pakainin ang kani-kanilang pamilya.

Umabot lamang sa P90 hanggang P120 ang kanilang kita sa kada araw depende sa laki ng trak na kanilang dala sa paghahakot ng basura.

Dahil sa lawak ng lugar na pinagkukunan ng basura ay halos isang beses lamang sila nakakaikot at masuwerte na ang makadalawang biyahe.

Hindi na muna sila bumiyahe ngayong araw para iparating ang kanilang hinaing sa may-ari ng nasabing kompanya na nagsisilbing kontraktor ng pamahalaang lungsod.

Bukod sa mababang sahod ay walang benepisyo na naibibigay sa kanila ang nasabing kompanya.

Inihalimbawa ang isäng tauhan ng kompanya na si Mang Rodelio Roco na naputulan ng daliri sa pagkolekta ng basura pero wala man lamang na nakuhang tulong mula sa kanilang kompanya.

Ayon sa mga nagkilos-protesta na hindi sila aalis sa kanilang protesta sa tanggapan ng kanilang kompanya hanggang walang aksiyon sa kanilang kahilingan.

GARBAGE COLLECTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with