^

Probinsiya

Clan war: 17 utas

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Clan war: 17 utas

Ayon sa Banisilan PNP, nagsimula ang engkwentro sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda at Kumander Kinig laban sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron. File photo

Ubusan ng lahi

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot na sa 17-katao ang napatay sa patuloy na bakbakan ng dalawang armadong grupo sa naganap na clan war sa tatlong barangay sa bayan ng Banisilan, North Cotabato simula pa noong Biyernes ng hapon (Dec 23).

Ayon sa Banisilan PNP, nagsimula ang engkwentro sa pagitan nina Kumander Ali Rajamuda, Kumander Bobby Rajamuda at Kumander Kinig laban sa grupo nina Kumander Tanda at Kumander Paron.

Nabatid na umabot ang bakbakan hanggang Sitio Kabugan sa mga Barangay Guiling at Alamada kung saan umanib na ang grupo ni Kumander Palaw at Kumander Tahir kina Kumander Tanda at Paron na pawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)

Kabilang sa mga apek­tadong lugar sa bayan ng Banisilan ay ang Sitio Kinamuran, Barangay Pantar; Sitio Mapantaw, Sitio Hillside, Sitio Kulawan at Sitio Kibanog sa Barangay Malagap habang sa Sitio Bang-bang sa Barangay Tinimbacan at Sitio Balindong sa Barangay Poblacion 1.

Nabatid na 26-pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay sa Brgy. Poblacion 1 habang umabot naman sa 142 pamilya sa Barangay Malaga ang nagsilikas mula sa kani-kanilang bahay.

Base sa salaysay ng mga residente, pito-katao ang napatay sa grupo nina Kumander Rajamuda at Kumander Kinig habang 10 naman kina Kumander Tanda at Kumander Paron kung saan hindi nabatid ang bilang ng mga nasugatan.

Pinaniniwalaang rido o clan war ang isa sa motibo ng engkwentro dahil sa naganap na pananambang sa pamilya ni Chairman Panantaon Mantitayan ng Barangay Busaon sa bayan ng Banisilan noong Biyernes (December 9).

Kasalukuyang inilatag ang mga checkpoint ng pulisya sa mga apektadong barangay at ilang bahagi ng Banisilan para hindi na makaapekto sa mga kalapit barangay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with