Bahay ng ‘mangkukulam’ sinunog
MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang ginang na sinasabing mangkukulam habang kritikal naman ang kan- yang mister makaraang sunugin ang kanilang bahay sa Sitio Malanta sa Barangay Limaong, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Panna Saimbala habang isinasalba naman sa Zamboanga City Medical Center ang mister nito na si Saad Saimbala. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinunog ng kapitbahay na 21-anyos na suspek na si Sattal Samsula ang bahay ng mag-asawa sa hinalang kinulam ang kaniyang misis na kung tawagin sa lugar ay ‘barang’. Kasalukuyang naghahapunan ang mag-asawa nang maamoy ang gasolina sa palibot ng kanilang bahay at kasunod nito ay sinilaban ito ng suspek. Sa pahayag ng mga kapitbahay, nakulong ng apoy ang mag-asawa pero nagawang makagapang palabas kung saan maisugod pa sa pagamutan ay nabigong maisalba ang babae.
- Latest