3 drug suspek, itinumba
BATANGAS, Philippines – Napatay ang tatlong isinasangkot sa droga makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Lian, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina Ronaldo Sobrado, Maria Royette Sobrado at Raymundo Butiong.
Base sa police report, nasa loob ng bahay ng pamilya Sobrado nang biglang may pumasok na anim na kalalakihan saka isinagawa ang pamamaril bandang alas-3:20 ng hapon.
Mabilis na tumakas ang mga suspek na pawang naka-jacket at baseball cap sakay ng kulay puting sasakyan na walang plaka.
Sa tala ng pulisya, sina Ronaldo at Maria Royette Sobrado ay dati nang naaresto sa kasong droga habang si Butiong naman ay kabilang sa mga sumukong drug personality sa bayan ng Lian.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest