^

Probinsiya

4-anyos kritikal sa saksak ng tatay

TINTA NG MASA - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4-anyos kritikal sa saksak ng tatay
Sa ulat, kinilala ni Supt. Michael Nicolas, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9 ang batang biktima na si Daisy Mae Anghad na patuloy na isinasalba ang buhay sa Zamboanga del Sur Medical Center sanhi ng tinamong dalawang malalalim na saksak sa katawan.
File photo

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang 4-anyos na batang babae makaraang pagsasaksakin ng sarili nitong ama bago nagtangkang magpatiwakal ang huli sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa bayan ng Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sa ulat, kinilala ni Supt. Michael Nicolas, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9 ang batang biktima na si Daisy Mae Anghad na patuloy na isinasalba ang buhay sa Zamboanga del Sur Medical Center sanhi ng tinamong dalawang malalalim na saksak sa katawan.

Isinugod din sa pagamutan ang suspek na ama na si Promencio Anghad, 57.

Ang suspek ay uminom ng isang uri ng pesticide na mabuti na lamang umano at konti lamang ang nalaklak nito matapos itong pigilan ng kaniyang manugang na lalaki.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Anghad sa Purok Malinawon B, Brgy. Paglaum, Dumalinao ng lalawigang ito dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Lumilitaw sa imbestigasyon na desperado ang suspek dahilan sa matinding selos sa kaniyang misis na si Wilma kung saan ay napagbalingan nitong pagsasaksakin ang paslit na anak.

Matapos ito ay tinangkang magpakamatay ng suspek na ininom ng pesticide na nakatago sa kanilang kusina na agad namang napigilan ng kanyang  manugang.

Nahaharap sa kasong frustrated parricide ang suspek.

vuukle comment

SINAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with